Menu

Early Registration sa Marcela, Sinimulan na!

Rowena C. Lazaro

Sinimulan na noong Sabado, Unang araw ng Pebrero, 2020 ang Early Registration sa Paaralang Marcela Marcelo. Isinagawa ang kick-off parade at launching program sa pamumuno ni Bb. Norma B. Jamon, punong guro ng MMES na sinuportahan at dinaluhan ng lahat ng mga guro, mga mag-aaral at mga magulang.

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng mga kaguruan na suyurin at hanapin ang mga street children, out of school youth at iba pang indibidwal na gusto pang mag-aral. Hinihikayat ng paaralan na bumalik sa eskwelahan sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ang mga mag-aaral na matagal nang tumigil sap ag-aaral.

Samantalang target naman ng Paaralan ang maagang pagpaparehistro ng mga batang 5 taong gulang na papasok sa kindergarten at mga tutuntong sa grade 1 hanggang grade 6.

Magtatagal ang early registration hanggang March 6, 2020.