Menu
Philippine Standard Time:

MMES Nakasungkit Muli ng Pwesto!

Muling napatunayan ng Marcela Marcelo Elementary School ang galing ng kanilang mag-aaral na si Julie Anne H. Gatmin, Pangulo ng Supreme Pupil Government (SPG) para sa kauna-unahang birtual na Pandibisyong Halalan sa Pederasyon ng SPG noong Oktubre 15, 2020 sa pamamagitan ng Google Meet.

Ang nasabing halalan ay  nilahukan ng dalawampung pampublikong paaralan. Madikit ang nagging labanan para sa pangalawang pangulo, kalihim at ingat-yaman dahil nag-triple tie ang MMES, TPES at PBES na parehong may 12 boto. Nagtoss coin ang tatlong panig at nasungkit ng batang Marcelanians ang pagiging kalihim.

Nang kapanayamin si Julie Ann kung ano sa tingin niya ang naging lamang niya sa kompetisyon ay tumugon ito ng “Dahil sa aking mga adhikain na makatulong sa kapwa ko estudyante at makagawa ng pagbabago sa tulong ng aking tagapayo na si Bb. Merle R. Buenasflores ang naging dahilan ng aking pagkapanalo. Ang tiwalang kanilang ibinigay  sa akin ay hindi masasayang dahil gagawin ko ang lahat para sa pagbabago.”

Ang halalan ay isinasagawa taon-taon at muling nailagay sa pwesto ang isang Marcelanian.